-- Advertisements --
Minaliit lamang ni US President Donald Trump ang ginawang missile test ng North Korea.
Sa kaniyang pagdating sa Japan, nag-tweet agad ito at tinawang ang missiles na “small weapons”.
Sinabi nito na ang pagpapalipad ng North Korea ng missile ay nagdulot ng takot sa ibang mga mamamayan at karatig na bansa subalit hindi ito natinag.
Nauna rito tinawag ni US National Security Adviser John Bolton na isang paglabag sa UN resolutoins ang ginawa ng North Korea.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na kontrahin ni Trump ang kaniyang natioanl security adviser na ang isa ay noong naganap na krisis sa Venezuela at ang relasyon ng US sa Iran.