-- Advertisements --
Muling binanatan ni US President Donald Trump ang mga Democrats dahil sa umano’y kuwestiyonableng whisleblowers.
Ayon kay Trump isang malaking kalokohan ang inilunsad na impeachement inquiry.
Malinaw aniya na ang whistleblower ay kinokontrol ng mga Democrats na siyang nangunguna sa impeachment inquiry.
Binatikos din nito si House Speaker Nancy Pelosi dahil sa napakabilis nitong magbigay ng mga subpoena sa mga nais nilang imbestigahan.
Una nang lumutang na target ng Kamara na tapusin ang inquiry sa loon ng dalawang buwan para isulong na sa Senado.