-- Advertisements --

Muli na namang binanatan ni US President Donald Trump ang World Health Organization (WHO).

Sa kaniyang talumpati, muling inulit niya na naging sayang ang ibinibigay na milyong pondo sa WHO.

Tiniyak pa nito na susuportahan ng mga mambababatas ang nasabing hakbang nito sa WHO.

Ipinagmalaki rin ng US President ang mabilsang coronavirus test kung saan mayroon 3.3 million na ang natapos sa 48 iba’t-ibang tests ang nabigyan ng authorization.