-- Advertisements --

Muling binantaan ni US President Donald Trump ang mga Houthis rebels sa Yemen at mga kaalyado nilang Iranian na kanila itong aatakihin.

Sinabi nito sa magsasagawa ang US ng matinding airstrikes hanggang matigil ang ginagawa ng mga pag-atake sa mga barko.

Hindi aniya sila hihinto hanggang mawala na ang banta sa Freedom of Navigation.

Titigil lamang sila kapag mahinto na ang pag-atake ng mga Houtis sa mga barko ng US.

Una ng nagbanta rin ang Houthis o dating kilala bilang mga Ansar Allah na itutuloy nila ang pag-atake sa Israel at shipping lanes sa Red Sea hanggang itigil ng mga sundalo ng Israel ang pag-atake sa Gaza.

Hindi naman nagpatinag ang Iran kung saan anumang pag-atake ng US ay kanilang tatapatan.