-- Advertisements --
Hindi na pinalampas ni US President Donald Trump na banatan muli ang China.
Sinabi nito na kapag makaharap niya muli si Chinese President Xi Jinping, ay kaniya itong pagpapaliwanagin kung bakit nagkaroon ng coronavirus sa buong mundo na nagdulot ng matinding pinsala sa ekonomiya ng mga bansa.
Ipinagmalaki pa ng US President na siya lamang ang Pangulo ng bansa na kayang sumita sa Chinese President.
Hindi naman kinumpirma ni Trump kung kailan nito balak na kausapin ang Chinese President.
Pero kung babalikan ang mga statement ni Trump mula noong Enero hanggang Marso ay puring puri niya ang China sa handling sa COVID crisis.