-- Advertisements --
Tinawag ni US President Donald Trump ang congressional impeachment investigation bilang isang uri ng “lynching”.
Kinondina din ng Pangulo ang inquiry at sinabing walang due process, fairness at anumang legalidad.
Ang “Lynching” kasi ay makasaysayang extrajudicial executions ng mga white mobs laban sa mga black people.
Ikinagalit naman ng mga Democrats ang pahayag ni Trump kung saan sinabi ni South Carolina Democrats Jim Clyburn na ang “Lynching” ay nababagay kay Trump.
Magugunitang inilunsad ang impeachment inquiry matapos na tawagan ni Trump ang pangulo ng Ukraine at pinaiimbestiga ang katunggali nito sa pulitika na si Joe Biden.