-- Advertisements --
Inakusahan ni US President Donald Trump si Ukraine President Volodymyr Zelensky sa pagsira ng negosasyon nila ng Russia.
Kasunod ito sa ginawang pahayag ni Zelensky na hindi nila kikilalanin na kontrolado ng Russia ang Crimea.
Dahil sa nasabing pahayag ay sinabi ni Trump na mas matatagalan pa lalo ang isinusulong nilang peace negotation.
Una ng sinabi ni Trump na sila ay aatras na na isulong ang peace deal kung kapwa magmatigas ang Russia at Ukranie.