-- Advertisements --
Muling sinisi ni US President Donald Trump sina dating Pangulong Joe Biden at Ukrianian President Volodymyr Zelensky kaya sumiklab ang giyera.
Sinabi nito na hinayaan lamang ni Biden na lumala ang sitwasyon at tila kinampihan pa si Zelensky kaya walang nagawa ang Russia na gumanti.
Giit pa ni Trump na kung siya ang nanunungkulan noon ay hindi mangyayari ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Una rito ay hinamon ni Zelensky si Trump na bumisita sa Ukraine para malaman ang tunay na kalagayan ng kaniyang bansa.
Magugunitang sa ginawang pagbisita ni Zelensky sa White House ay nagkaroon ito ng sagutan kay Trump kung saan ipinipilit ng US President na ang may sala ay ang Ukraine.