Ibinuhos umano ni US President Donald Trump ang kanyang pagkadismaya sa serye ng missile tests ng North Korea sa malapit na kaalyado ng Amerika na South Korea.
Ito ay makarang magpatutsada si Trump sa South Korea na halos ay wala naman daw ginagawa samantalang todo ang ibinibigay na proteksiyon nila.
“Over the past many decades, the U.S. has been paid very little by South Korea, but last year, at the request of President Trump, South Korea paid $990,000,000,” giit pa ni Trump sa kanyang Twitter account.
Lumutang din ang isyu na naaasar daw si Trump sa South Korea sa pagkabigong pigilan ang muling pagiging agresibo ng Pyongyang.
“We’ve been helping them for about 82 years and we get nothing, we get virtually nothing,” ani Trump. “They’ve agreed to pay a lot more and they will agree to pay a lot more than that.”