-- Advertisements --
trump walk out 1
US President Donald Trump stormed out of talks with Democrats over infrastructure spending.

Tila nag-iba ang ihip ng hangin nang bigla na lamang nag ‘walk-out’ umano ni US President Donald Trump habang nakikipagpulong ito kasama ang mga Demokratikong mambabatas.

Nakatakda sanang pag-usapan ng dalawang kampo ang patungkol sa gastos ng gobyerno sa imprastruktura.

Ayon kay Trump, ititigil na raw nito ang pakikipagtulungan sa mga demokratiko maliban na lamang kung iaatras nila ang lahat ng imbestigasyon na may kinalaman sa Mueller special counsel report.

Kauganay ito ng di-umano’y pakikialam ng Russia sa nakaraang presidential election.

Matagal nang plantsado ang pakikipagpulong ni Trump sa mga demokratiko. Ito ay matapos mapagkasunduan ng dalawang panig ang posibleng $2-trillion infrastructure proposal. Inaasahan sanang magbibigay ng karagdagang detalye si Trump sa mga Democrats kung paano mababayaran ito.

Ngunit hindi naman umepekto ito kay Senate Minority Leader Chuck Schumer. Ayon sa kanya, sadyang wala raw talagang ideya si Trump kung paano ito mababayaran kung kaya’t napilitan na lamang siyang tumakbo upang makaiwas.