-- Advertisements --
Hindi maitago ni US President Donald Trump ang kaniyang galit at pagkainis kay Russian President Vladimir Putin.
Ito ay matapos na hindi pa tumutugon ang Russia sa isinusulong ng US na ceaseifre nila ng Ukraine.
Giit pa ni Trump na kapag hindi maisakatuparan ang cesefire deal ay mapipilitan nitong magpatupad ng bagong sanctions.
Magugunitang tinawagan ni Trump sina Putin at Ukrainian President Volodymyr Zelensky para isakatuparan ang ceasefire.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagkasundo ang dalawa na itigil muna ang pag-atake sa dumadaang barko sa Black Sea.