-- Advertisements --
Nagbago na ang pananaw ni US President Donald Trump sa pagsusuot ng face mask para hindi na kumalat ang coronavirus.
Sa muling pagbabalik ng daily coronavirus briefing sa White House, sinabi nito na mahalaga ang pagsusuot ng face mask.
Maging siya ay may sariling baon na facemask at kaniya itong isinusuot kapag hindi nagkakaroon ng physical distancing.
Ipinagmalaki rin ni Trump na bumaba na ang bilang ng mga namamatay matapos madapuan ng coronavirus.
Muli pa ri nitong ipinaggiitan na nagmula ang nasabing coronavirus sa China.
Aminado rin ang US President na magiging matindi muna ang epekto ng coronavirus bago ito tuluyang masawata.