-- Advertisements --
Nagbanta si US President Donald Trump na hindi na ito lalahok sa presidential debate nila ni Joe Biden.
Kasunod ito sa naging pahayag ng Commission on Presidential Debates na gagawin na lamang virtual ang susunod na debate matapos na magpositibo sa coronavirus ang US President.
Taliwas naman dito ang kampo ni Biden kung saan pumapayag sila na gawing virtual na lamang ang susunod na debate.
Paliwanag ni Frank Fahrenkopf ang namumuno sa debate commission na kinausap nila ang dalawang kampo bago ang anunsiyio.
Ang desisyon aniya ay suportado ng Cleveland Clinic ang health advisers ng commission.
Gaganapin ang susunod na debate na isang town hall format sa Oktubre 15 sa Adrienne Arsht Center for the Performing Arts sa Miami.