-- Advertisements --

Nagbanta si US President Donald Trump na kaniyang tatanggalin ang pagpondo nila sa World Health Organization (WHO).

Ito ay dahil sa pagiging bias umano ang WHO sa China sa kasagsagan ng coronavirus pandemic.

Gagawin nila ito dahil nagmumula sa US ang malaking pondo ng United Nation.

Hindi naman nito binanggit kung magkano ang halaga ng nasabing pondo para sa WHO.

Tinanong din nito ang WHO kung bakit nagbigay ng mali-maling rekomendasyon tungkol sa coronavirus kaya hindi nasunod ang pagpatupad ng travel ban sa China.