-- Advertisements --

Hindi na nakapagtimpi si US President Donald Trump matapos itong tawagin na “mentally retarded” ni Iranian President Hassan Rouhani.

Ito ay matapos ianunsyo ni Trump ang bagong sanctions na ipapataw nito laban sa Iran kaugnay ng pagpapasabog ng nasabing bansa sa isang US spy drone.

Ayon sa presidente ng Amerika, handa umano siyang tuluyan na burahin ang bansang Iran gayundin ang gumanti sa oras na muling maminsala ang Iran sa kahit anong interes ng kanilang bansa.

Target ng bagong sanction na ito ang ilang indibidwal tulad ni Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei na pinaniniwalaang utak sa likod ng hostile conduct.

Umaasa naman si Trump na maiintindihan ng Iran ang mensahe na nais niyang ipaabot sa naturang bansa. Nangako rin ito na kahit kailan ay hindi niya hahayaan ang Iran na magkaroon ng tsansa upang makapag-develop pa ng nuclear weapons.