Inakusahan ni US President Donald Trump ang mga Democrats na sinusubukan ng mga ito na “magnakaw” ng isang panalo.
Ayon kay Trump, pinaghahandan na nila ang isang malaking pagdiriwang dahil naniniwala siyang siya ang mananalo sa halalan ngunit bigla itong nawala dahil sa pandaraya umano na ginawa ng kampo ng kanyang katunggali na si Joe Biden.
Aniya, pandaraya raw sa mamamayan ng Amerika ang ginagawa ng panig ni Biden na siyang nagbibigay ng isang kahihiyan sa kanilang bansa.
Nagbanta pa ito na pupunta siya sa Korte Suprema dahil nais niyang “ipatigil ang lahat ng bilangan ng boto.”
“This is a fraud on the American public. This is an embarrasment to our country.”
Alam na raw niya na siya ang mananalo sa halalan ngunit tinanggalan daw ng Democrats ng karapatan ang kaniyang mga supporter na bomoto.
Sa kabila ng kaniyang mga hinaing, pinasalamatan naman ni Trump ang milyon-milyong mga tao sa Amerika na bomoto para sa kaniya.
“I want to thank the American people for their tremendous support. Millions and millions of people voted for us tonight and a very sad group of people is trying to disenfranchise that group of people and we will not stand for it,” ani Trump na nagsalita sa East Room ng White House kung saan nandoon din sina first lady Melania Trump, Vice President Mike Pence at second lady Karen Pence.
Samantala, tinukoy din naman ni Trump ang botohan sa Pennsylvania na may nakalaang 20 electoral votes na nakuha nila.
Maging si Biden kampante rin na mananalo sila sa nasabing estado kahit hindi pa natatapos ang bilangan.
Samantala sa buwelta naman ng Biden campaign manager na si Jen O’Malley Dillon, nakahanda silang harapin ang banta ni Trump kung itutuloy nito ang magsampa ng reklamo sa Supreme Court.
“If the president makes good on his threat to go to court to try to prevent the proper tabulation of votes, we have legal teams standing by ready to deploy to resist that effort,” bahagi pa ng sagot Dillon.
Sa speech ni Biden, inanyayahan niya ang kaniyang mga supporter na panatilihin pa rin ang pananampalataya na mananalo sila sa halalan.
Ang Pennsylvania ay siyang estado ng kanyang kapanganakan kaya’t kampante raw siyang manalo.
Una rito, tatlong araw ang ginugol nito sa kaniyang pangangampanya.
Dagdag pa ni Biden na wala siyang karapatan na magdeklara na mananalo siya o si Trump dahil nasa kamay ito ng mga botante.
Dagdag pa ni Biden, masarap ang kaniyang pakiramdam na nangunguna siya sa bilangan ng mga electoral votes kung kaya’t naniniwala siyang nasa tamang “track” sila para manalo.
Pinuri naman ni Biden ang pasensya ng kaniyang mga supporter na nag-aabang sa resulta.
“It’s not my place or Donald Trump’s place to declare who’s won this election,” giit pa ni Biden. “That’s the decision of the American people.” (with report from Bombo Jane Buna)