Desidido ang kampo ni US President Donald Trump sa kahilingan nilang election recount sa estado ng Wisconsin.
Nagpaunang bayad na ang kampo nito ng $3 million para sa halaga ng recount.
Aabot kasi sa $7.9 million ang halaga ng tinatawag na statewide recount.
Isinagawa ng kampo ni Trump ang pagbabayad ilang oras bago ang itinakdang deadline nitong Miyerkules sa Amerika.
Nais kasi ng kampo ng US President ang recount sa Milwaukee at Dane kung saan nangyari umano ang malawakang dayaan.
Lumabas kasi na nanalo si Biden sa Milwaukee ng 317,270 na boto kumpara sa 134,357 na boto ni Trump at sa Dane ay mayroong 260,185 na boto si Biden laban sa 78,800 na boto ni Trump.
Sa ilalim kasi ng batas sa Wisconsin, mayroong karapatan si Trump na humiling ng recount dahil maliit lamang ang kalamangan ng katunggali nitong Joe Biden na mayroong 1% ang margin of wins nito.
Inaasahan na hahabulin ng kampo ni Trump ang December 8 deadline para resolbahin ang lahat ng mga dayaan umano sa halalan.
Ilalabas ang official result ng halalan sa gaganaping pagpupulong ng Electoral College sa Disyembre 14.