Tinawag na isang pagdiriwang ni US President Donald Trump ang pagkakaabsuwelto niya sa impeachment.
Matapos ang halos isang araw ng matapos ang impeachment hearing, agad na nagdiwang ang US president.
Sa kaniyang talumpati sa White House, kasama nito ang pamilya at mga kaalyado, sinabi nito na ginawa ng lahat ng kaniyang kalaban ang paninira subalit hindi pa rin sila nagtagumpay.
Ilan sa mga dumalo ay ang mga kaalyado niya sa Republican party na sina Senate Majority Leader Mitch McConnell ng Kentucky at House Minority Leader Kelvin McCarthy ng California nandoon din ang mga gabinete nito at mga legal team na dumepensa sa kaniya sa Senate trial.
Pinasaringan nito ang Democrats at sinabing nais lamang nilang sirain ang kanilang bansa.
Magugunitang naabsuwelto si Trump sa dalawang articles of impeachment na abuse of power at obstruction of congress na nagsimula sa pagtawag nito sa pangulo ng Ukraine para ipaimbestiga si dating US Vice President Joe Biden.