-- Advertisements --
Malaki ang naitulong ng experimental antibody therapy para sa paggaling ni US President Donald Trump na nadapuan ng coronavirus.
Sinabi ni Dr. Anthony Fauci, director ng US National Institute of Allergy and Infectious Diseases, nagkaroon ng magandang epekto sa katawan ng US President ang drug cocktail na gawa ng Regeneron.
Hindi pa rin aniya ito maituturing na nagpapagaling ng COVID-19 at sa halip ay nagpapataas lamang ito ng tsansa na malabanan ang virus.
Nauna ng ipinagmalaki ni Trump ang mabilisang paggaling dahil sa paggamit ng nasabing gamot.