-- Advertisements --

Nagnegatibo sa coronavirus si US President Donald Trump.

Ito ang lumabas na resulta sa isinagawang pagsusuri sa US President matapos na lumabas na positibo sa nasabing virus ang isang US military na nagtatrabaho sa White House.

Ayon kay White House Deputy Press Secretary Hogan Gidley, matapos na sabihan sila ng White House Medical Unit sa pagpositibo ng isang empleyado nila ay agad na isinailalim sa pagsusuri si Trump at Vice President Mike Pence.

Nauna ng nagnegatibo ang US president ng ito ay magpasuri noong Abril 2.

Mula noon ay lahat aniya ng mga makakasalamuha ni Trump at Pence ay dapat na sumailalim sa rapid COVID-19 test.