Nagpaabot ng pagdarasal si US President Donald Trump para sa mabilisang paggaling ni British Prime Minister Boris Johnson.
Ito ay matapos na itakbo sa intensive care unit si Johnson dahil sa hindi pa rin humuhupa sintomas ng coronavirus.
Sinabi ni Trump na naging malapit na kaibigan niya si Johnson at mahigpit na kaalyado ng US ang United Kingdom kaya ganun na lamang ang kalungkutan nito ng mabalitaan na itinakbo na ito sa pagamutan.
Ayon naman sa tagagpagsalita ng 55-anyos na si Johnson na base na rin sa payo ng doctor kaya ito dinala sa ICU.
Patuloy din na kinukumusta ni Queen Elizabeth II ang kalagayan ng prime Minister.
Magugunitang unang nagpositibo sa coronavirus si Johnson noong Marso 26 at nitong Linggo ng gabi ay hindi pa ring bumababa ang lagnat nito.