GEORGIA, USA – Hindi naitago ni US President-elect Donald trump ang kalungkutan sa pagpanaw ni dating US president Jimmy Carter sa edad na 100.
Si Carter kinikilalang longest-living president sa kasaysayan ng US. Siya ay pumanaw habang nasa kaniyang tahanan sa Plains, Georgia.
Naging state governor at tuluyang naging pangulo ng US. Siya ang ika-39 na nagsilbing pangulo ng naturang bansa.
Sa mensahe ni Trump, binanggit niya na ang mga naging Pangulo ay bahagi ng isang eksklusibong grupo na nakakaunawa sa malaking responsibilidad ng pamumuno sa tinatawag niyang “Greatest Nation in History.”
Ayon kay Trump, hinarap ni Carter ang mga hamon ng kanyang panahon bilang presidente at ginawa ang lahat upang mapabuti ang buhay ng mga Amerikano.
Dahil dito, nararapat lamang na magpasalamat tayo sa kaniya.
Sa huli, ipinapaabot ni Trump at may-bahay nitong si Melania ang kanilang pakikiramay sa pamilya ni Carter at hinihikayat ang lahat na isama sila sa kanilang mga dasal.