-- Advertisements --

Nagbigay ng senyales sa muling pagtakbo sa pagkapangulo si dating US President Donald Trump.

Sa kaniyang pagdalaw sa 17th precint ng New York Police Department (NYPD) kasabay ng paggunita sa ika-20 taon ng September 11 terror attack, tinanong siya ng ilang kapulisan doon kung ito ay tatakbo sa 2024.

Bagamat hindi niya direkta itong sinagot ay nagpahiwatig ito ng interest sa muling pag-upo sa White House.

Hindi rin maiwasan nito na banatan ang ginawa ni US President Joe Biden sa pag-alis ng mga sundalo sa Afghanistan kung saan sinabi nito na isang malaking kahihiyan ito.

Kabaligtaran aniya ngayon ang pamumuno ni Biden kumpara noong ito ay naupo bilang pangulo.