-- Advertisements --
Pinasalamatan ni US President Donald Trump ang kaniyang mamamayan matapos na mabigyan ito ng pagkakataon na manilbihan ng apat na taon.
Sa inilabas niyang farewell speech, inisa-isa niya ang mga nakasama niya sa kaniyang panunungkulan mula sa kaniyang mga kaanak, mga nakasama sa White House at iba pa.
Ipinagmalaki nito na sa kaniyang pamumuno ay naging maunlad ang nasabing bansa sa buong mundo.
Itinanggi nito na dahil sa kaniyang panunungkulan ay nagkakaroon ng pagkakawatak-watak ng kaniyang mamamyan.
Tanging ang US lamang aniya ang tumayo at nanindigan laban sa China.
Kinondina din nito ang nangyaring pang-aatake sa Capitol Hill at sinabing hindi niya ito kinokonsinti.