-- Advertisements --

Pinirmahan ni U.S. President Donald Trump ang mga executive orders na layong palakasin ang coal mining sa bansa upang matugunan ang tumataas na pangangailangan sa kuryente dulot ng teknolohiyang artificial intelligence.

Ang mga hakbang ay mag-aalis ng mga regulasyon sa pagkuha ng coal at suspindihin ang planong pagsasara ng maraming coal-fired power plants.

Ayon kay Trump, tututulan ng kanyang administrasyon ang anumang mga regulasyon na naglalagay sa industriya ng coal sa panganib.

‘We’re going to guarantee that we have a strong business for many years to come. That your coal companies and your miners don’t get all excited about their jobs. And then should a radical left liberal become president, they end the business right away. And somebody built a plant and spent hundreds of millions of dollars in building a plant. And the plant is going to be closed because a Democrat got in or a liberal got in. They’re opposed to coal. And Republicans are very much for it, clean coal. And we’re…we’re going to give a guarantee that the business will not be terminated by the ups and downs of the world of politics,’ pahayag ni Trump.

Tinukoy rin niya na makikinabang ang bansa mula sa pagkuha ng mga mahahalagang minerals at rare earths sa proseso ng pagmimina ng coal.

Gayunpaman, pinuna ng mga environmental groups ang hakbang, at itinuturing ito bilang isang paraan upang suportahan ang mga fossil fuel donors sa pamamagitan ng pagpapalakas sa coal —ang pinakamadalas na nagdudulot ng polusyon sa enerhiya.

Batay sa datos ng bansa ang coal production sa US ay bumaba ng malaki sa nakaraang 15 taon, at noong 2023, ito ay nag-ambag lamang ng higit 16% sa kabuuang produksyon ng kuryente, samantalang ang renewable energy nito ay lumampas ng higit sa 21%.