-- Advertisements --
trump facemask covid white house

Pinagplanuhan na ng kampo ni US President Donald Trump na magsagawa pa rin nang pagtipon-tipon sa Florida at Pennsylvania.

Ito ang pinakaunang public engagements na gagawin ng Republican President matapos magpositibo sa coronavirus.

Nilinaw naman ng White House physician na si Dr. Sean Conley na nakompleto na ng Pangulo ang kaniyang theraphy para sa COVID-19 ngunit hindi kinumpirma kung fully recovered na ito sa deadly virus.

Binigyan na ng “go signal” ang 74-anyos na Pangulo ng kaniyang mga doktor na gumawa ng mga public engagements kahit pa nasa ika-10 pa lamang ito simula ng magpositibo sa virus.

Si Trump ay una nang nakatanggap ng “polyclonal antibodies” at oxygen sa White House.

Tatlong araw din siyang namalagi sa Walter Reed National Military Medical Center kung saan nakatanggap din siya ng antiviral drug na Remdesivir at steroid Dexamethasone.

Una nang sinabi ni Trump na mabuti na ang kaniyang pakiramdam kahit inuubo pa ito. (with report from Bombo Jane Buna)