Nakipagpulong si US President Donald Trump kay Twitter Inco Chief Executive Jack Dorsey at kinuwestyon nito kung bakit nabawasan umano ang kanyang Twitter followers.
Ang nasabing pagpupulong ay inorganisa ng White House noong nakaraang linggo.
Nagawa pang ibahagi ni Trump ang nasabing pagpupulong sa kanyang Twitter account.
Kung saan sinagot naman ito ni Dorsey sa pamamagitan din ng isang tweet.
Ito ay matapos mabawasan ni Trump ng halos 204,000 o 0.4% twitter followers mula sa 53.4 million followers nito noong July.
Isa si Trump sa pinaka-maraming followers sa Twitter ngunit maka-ilang ulit nang binatikos ng presidente at ilan sa kanyang mga opisyal ang social media company
Ipinaliwanag umano ni Dorsey ang dahilan kung bakit tila nabawasan ito ng followers. Ito raw ay dahil patuloy ay pagtanggal ng mga ito ng fraudulent at spam accounts.
Ayon pa kay Dorsey, layunin ng hakbang na ito na mabawasan ang mga kahina-hinalang accounts na nagkakalat ng maling impormasyon na maaaring maging malaking impluwensya sa pagboto ng mga tao.
Bilang resulta umano nito ay marami ring sikat na tao ang nabawasan ng twitter followers, at kasama na rin daw dito si Dorsey.
Noong Martes lang nang umalma si Trump sa social media company dahil sa pagiging bias daw nito.