-- Advertisements --
trump donald
Trump

Inilabas na ng Democrats ang dalawang articles of impeachment laban kay US President Donald Trump.

Ito ay matapos ang ilang linggong argumento kung mayroon bang ebidensiya na ang US President ay umabuso sa kaniyang opisina at nararapat na tanggalin sa opisina.

Ang unang article ay inilabas ni committtee chief Jerry Nadler kung saan inakusahan ito ng abuse of power at pangalawa ay obstructing of Congress.

Sa unang alegasyon na ginamit aniya ni Trump ang kaniyang posisyon para sa kaniyang personal na interest para puwersahin ang Ukraine na mangialam sa 2020 presidential election.

Tinawagan kasi ni Trump ang Ukraine president para paimbestigahan ang katunggali nito sa 2020 election na si dating Vice President Joe Biden.

Sa pangalawang kaso ay ng mabisto na ito ng kongreso ay siniraan ni Trump ang imahe ng kongreso na magsasagawa ng impeachment.

Makailang beses na ring pinabulaanan ng US President ang nasabing insidente.