-- Advertisements --
Plano ngayon ni President Donald Trump na repasuhin ang kanilang immigration law na papabor sa mga skilled at English-speaking workers.
Sinabi nito na kapag naipatupad ang pagbabago sa US immigration law ay maiingit ang maraming bansa.
Isa rin aniya itong paraan niya para masala lahat ng mga dayuhang nagtatrabaho sa Estados Unidos.
Sa bagong panukala ni Trump na ang mga immigrants ay nire-required na matutong mag-english at pumasa sa civics exams.
Tiniyak naman ng mga mambabatas ng Democrats na hindi nila aaprubahan ang reporma dahil mula pa noong 1990 ay hindi pa nababago ang legal immigration system.