-- Advertisements --
Trump UN UNGA

Nais panagutin ni US President Donald Trump ang China dahil umano’y pagpapakalat ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa kaniyang talumpati sa United Nations General Assembly (UNGA), inakusahan ni Trump ang China na siyang nagpakalat ng virus sa buong mundo.

Hindi nakalusot na batikusin ni Trump ang World Health Organization (WHO) dahil sa tila pagdepensa raw nito ng China at nanindigan pa ang ahensiya na wala umanong ebidensya ng human-to-human transmission.

“In the earliest days of the virus, China locked down travel domestically, while allowing flights to leave China and infect the world,” ani Trump sa kanyang address mula sa White House. “The Chinese government, and the World Health Organization, which is virtually controlled by China, falsely declared that there was no evidence of human-to-human transmission.”

Isinagawa sa kauna-unahang pagkakataon na virtual ang UN General Assembly dahil sa epekto ng coronavirus.

Bawat lider ng bansa ay magbibigay ng talumpati virtually at ito ay ipapalabas sa UN headquarters sa New York.

Ang mga world leaders ay inabisuhan na magpadala ng kanilang pre-recorded videos at mga talumpati para naman i-broadcast ito ng live mula sa UN headquarters.

Ang UNGA ang siyang pangunahing deliberative body ng United Nations kung saan ang lahat ng 193 na mga bansa ay may kumakatawan.

Samantala ang 75th session ngayon ng UNGA ay merong tema na, “The Future we want, the United Nations we need: reaffirming our collective commitment to multilateralism – confronting COVID-19 through effective multilateral action.”