-- Advertisements --
Donald Trump return to WH

Nakabalik na sa White House si US President Donald Trump mula sa ilang araw na pananatili sa Walter Reed National Military Medical Center.

Lulan ng presidential helicopter ay lumabas ng pagamutan ang US President kasama ang ilang staff nito.

Maraming mga supporters naman nito ang naghintay sa labas ng pagamutan at sa mga dinaanan ni Trump.

Pagdating ng US President sa White House ay agad nitong tinanggal ang kaniyang facemask at nagpakuha ng larawan.

Magugunitang binigyan na ng go-signal ng kaniyang doctor na si Sean Conley ang US President at first lady Melania na makauwi matapos na bumuti ang kalusugan nito mula ng dapuan ng COVID-19, tatlong araw na ang nakalipas.