Hinatulan si US President -elect Donald Trump ng unconditional discharge dahil sa kaniyang conviction noong nakaraang taon ng 34 counts ng business fraud.
Ang kaso ay patungkol sa hush money payment kay adult star Stormy Daniels para ito ay manahimik noong 2016 presidential campaign.
Ang unconditioinal discharge ay nangangahulugan na hindi makukulong, pagmumultahin o mahaharap ng probation si Trump pero mananatili pa rin ang kaniyang conviction at magiging isa siyang convicted felon.
Inirekomenda ng prosecutors ang nasabing hatol bilang pagbibigay respeto sa opisina ng Pangulo at ang nalalapit na inauguration nito.
Dumalo sa virtual hearing si Trump sa pagdinig sa New York mula sa kaniyang bahay sa Florida kung kung saan sinabi ni Judge Juan Merchan na wala silang pinapaboran kahit anong posisyon man ng isang tao sa gobyerno.
Itinuturing pa ni Merchan na kakaiba ang nasabing kaso dahil nahirapan sila para mailabas ang nasabing kaso.
Una rito ay hiniling ng abogado ni Trump sa Korte Suprema na kung maari ay ipagpaliban ang paghahatol sa kaniya dahil sa ito ay nalalapit ng maupo bilang pangulo subalit ito ay ibinasura.
Magugunitang unang nadiin si Trump sa kaso noong Marso 2023 ng Manhattan district attorney sa kasong may kinalaman sa pagbabayad niya ng hush-money sa isang adult film star na si Stormy Daniels noong 2016.
Noong Mayo 30, 2024 ay napatunayang guiltiy ito sa lahat ng 34 counts ng pamemeke ng kaniyang business records in first degree ng 12 jurors.
Iginiit ng prosecutors sa pagdinig na bahagi si Trump ng illegal conspiracy na makakasira ng imahe ng halalan.
Inatasan niya umano ang kaniyang abogado noon na si Michael Cohen na i-reimburse ang $130,000 na hush money at ibayad kay Stormy Daniels para ito hindi na magsalita sa relasyon nito kay Trump na tiyak na makakasira sa kaniyang plano sa pagka-pangulo noong 2016.
Ang lahat ng nasabing alegasyon ay mariing itinanggi ni Trump.
Noong Nobyembre 19, 2024 ay inabisuhan ng Manhattan District Attorney’s Office si Judge Juan Merchan na pumapayag sila na ipagpaliban ang paghatol kay Trump na itinakda sana sa Nobyembre 26 para mabigyan ng sapat na oras ang inaasahan litigation sa inaasahan motion to dismiss na ihahahain ng kampo ng pangulo.
Pagdating naman ng Nobyembre 22, 2024, ay nagpasya si Judge Merchan ng indefinite postponement ng paghatol at pinayagan ang hiling ni Trump na maghain ng motion para ibasura ang kaso.
Nitong Enero 3, 2025 ay ibinasura ni Merchan ang hiling ng kampo ni Trump na ibasura ang kaso dahil sa pagkapanalo nito sa pagkapanalo noong Nobyembre.