-- Advertisements --

Nakalikom na ng $207 million si US President Donald Trump para sa post-election legal battles.

Ayon sa Republican National Committee na ang nasabing halaga ay kanilang nalikom magmula ng simulan nila ang fundraising noong nakaraang buwan.

Sa katunayan anila na noon pang buwan ng Oktubre ay mayroon ng mahigit kalahating milyon ang kanilang nalikom.

Ang nasabing funding ay gagamitin bilang legal challenges laban kay Democrats Presidential candidate Joe Biden.

Ayon kay Bill Stepien ang campaign manager ni Trump na patuloy ang paglaban ng US President para sa malinis na halalan sa buong bans.

Galing ang nasabing halaga mula sa mga supporters ni Trump ng ilunsad ang “Official Election Defense Fund” para maprotektahan ang resulta ng halalan.