Kinumpirma ni US President Donald Trump na nakatanggap umano ito ng mensahe mula kay North Korean leader Kim Jong UN.
Hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye ang presidente ng US tungkol sa liham ngunit inilarawan niya ito bilang “isang liham ng pagmamahal.”
“That’s very important to me,†ani Trump.
Sinabi rin ni Trump na handa siyang magsagawa ng ikatlong summit kasama si Kim.
Aniya, nanatili namang tapat ang pinuno ng North Korea sa kanyang binitawang pangako kay Trump na hindi na mauulit ang pagpapakawala ng kanilang bansa ng mga short-range missiles.
Pebrero ngayong taon nang ganapin ang hindi matagumpay na ikalawang summit sa pagitan ng dalawang pinuno. Ito sana ay upang hikayatin ng US na tuluyan nang bitawan ng North Korea ang kanilang nuclear weapons.
“It could happen but I want to bring it further down the line,†saad ng American president.