-- Advertisements --

Tinagpo nina US President Donald Trump at First Lady Melania Trump si Queen Elizabeth II sa unang araw ng kanilang state visit sa United Kingdom.

Nagtungo ang First Couple sa Buckingham Palace para sa isang private lunch at welcome ceremony.

Iprinisinta ng Queen kay Trump ang first edition ng libro ni Sir Winston Churchill na The Second World War.

Binigyan din si Trump ng three-piece Duofold pen set na may dekorasyon na EIIR emblem.

Maliban dito, nakatanggap naman si Mrs. Trump ng specially commissioned silver box na may handcrafted enamel lid.

Nag-alay na rin ng bulaklak ang dalawa sa Tomb of the Unknown Warrior sa Westminster Abbey.

Nakatakda ring dumalo sina Mr. and Mrs. Trump sa isang state banquet kinagabihan.

Dumating ang First Couple sa UK sakay ng Air Force One at dinala sa tahanan ng US ambassador sa central London kung saan sila mananatili.

Kasabay nito, sasalubungin din si Trump ng kaliwa’t kanang mga protesta na nakatakdang gawin sa London, Manchester, Belfast, at Birmingham.

Kabilang din sa aktibidad ni Trump ang pakikipag-usap nito kay outgoing Prime Minister Theresa May kung saan inaasahang tatalakayin ng dalawa ang climate change at ang Chinese technology firm na Huawei.

Nataon ang pagbisita ng American chief executive sa paggunita sa ika-75 anibersaryo ng D-Day landings, na dadaluhan din ni Trump kasama ang reyna sa Miyerkules. (BBC)