-- Advertisements --
Nakalaro ni US President Donald Trump sa golf si Tiger Woods bago ang knaiyang pagtungo sa New Orleans para dumalo sa Super Bowl.
Kasama ng US golf star ang anak nitong si Charlie Woods sa Trump International Golf Club sa Palm Beach.
Makikita sa inilabas na video ng White House na masayang naglaro ang ika-47th Pangulo ng US kasama ang mag-ama.
Ito ang unang pagkakataon na naglaro si Tiger Woods matapos ang pagpanaw ng ina na si Kultida Woods noong nakarang linggo.
Isa rin si Trump na nagpapaabot ng pakikiramay dahil pagpanaw ng ina ng US golf star.