Nananatiling may magandang kalusugan si US President Donald Trump.
Sinabi ng White House doctor na si Captain Sean Barbabella na normal ang kaniyang general physical functions at kabuuang kalusugan.
Ang 78-anyos na US President kasi ay sumailalim sa annual general check-up noong nakaraang araw.
Kahit na mayroong sugat sa kanang bahagi ng tenga dahi sa tangkang pamamaril sa kaniya noong Hulyo ay aktibo pa rin ito.
Sa halos limang oras na medical examination kay Trump na isinagawa sa Walter Reed hospital sa Bethesda, Maryland ay sumailalim siya sa ilang blood tests, cardiac examination at ultrasounds.
Wala ring nakitang senyales ng depression o anxiety sa pangulo mataps ang isinagawang neurological test sa kaniyang mental status, nerves, motor at sensory function.
May bigat na 101 kilos at taas na 6 feet 2.5 inche ang pangulo base sa record ng doctor kung saan maituturing siya na overweight at hindi obese.