MILWAUKEE – Bubuhayin umano ni dating US President Donald Trump ang adhikain ng Republican Party na pauwiin ang mga immigrants at ipanumbalik ang kaayusan sa kanilang bansa.
Sa kaniyang talumpati sa Republican National Convention sa Milwaukee, sinabi nitong ipapatupad niya ang largest deportation operation sa history ng kanilang bansa.
Kung mangyayari umano ito ay malalagpasan pa ang ipinatupad noon ni dating US president Dwight D. Eisenhower na nagpa-iral din ng malakihang pagpapauwi ng mga banyaga sa Estados Unidos.
Sa pagtaya ng ilang mananaliksik, umabot sa mahigit 1.3 million immigrants ang napa-uwi noong 1953 hanggang 1961.
Naniniwala kasi si Eisenhower na ang oportunidad ng trabaho at magandang buhay ay nararapat sa mga Americano at walang puwang dito ang mga banyagang walang sapat na dokumento.
Si Trump naman ay kilala rin bilang lider na nakatuon ang atensyon sa pagpapa-unlad ng kanilang bansa, kahit minsan ay hindi popular sa ibang sektor ang kaniyang mga pamamaraan.