-- Advertisements --
Nanindigan si US President Donald Trump na handa ang kaniyang bansa para itake over ang Gaza.
Isinagawa nito ang pahayag sa ginawang personal na pagbisita ni King Abdullah II ng Jordan.
Naniniwala kasi si Trump na magiging mapayapa ang buhay ng mga Palestino kung sila ay titira sa ibang lugar at hindi na sa Gaza.
Sinabi naman ni King Abdullah na kakausapin niya ang ilang mga Arab leader para magkaroon ng ibang mga pagpupulong kay Trump ukol sa nasabing usapin.
Nagpahayag din ang hari ng Jordan na handa nilang tanggapin ang mga Palestino na mapapalayas sa Gaza kung matuloy man ang nasabing plano.