-- Advertisements --
Naniniwala si US President Donald Trump na may kinalaman ang Iran sa naganap na drone attacks sa oil facilities sa Saudi Arabia.
Bagamat hindi niya direktang sinabi na may kinalaman ang Iran ay naniniwala ito na sangkot umano ang nasabing bansa.
Gayunman kumambiyo ang US President, masyadong maaga pa na ituro ang Iran hangga’t hindi pa natatapos ang kanilang imbestigasyon.
Nauna nang iginiit ni Trump na ayaw niyang giyerahin ang Iran subalit handa ang aniya ang US sa anumang pagganti.
Sa naganap na Saudi Aramco attack ay dumarami ang nagsasabing may malaking papel ang Iran sa ginawang pag-atake.
Lumabas kasi sa imbestigasyon ng coalition forces na ang mga armas at bomba na ginamit ng mga Houthi rebels ay mula sa bansang Iran.