Tinawag ni US President Donald Trump na isang ‘promising’ per hindi kumpleto ang naging kasagutan ni Russian President Vladimir Putin sa isinusulong nilang ceasefire sa Ukraine.
Sinabi ni Trump na nais niyang personal na makausap si Putin para mapabilis ang nasabing pagsulong ng peace deal.
Sakaling hindi pumayag si Putin sa isinusulong nilang peace deal ay maituturing itong isang nakakadismaya.
Dagdag pa ni Trump na mayroong mga pinal na kasunduan ang natalakay kung saan marapat na tumugon na dito ang Russia.
Magugunitang nagkaroon ng pagpupulong ang kinatawan ng US at mismong si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa Saudi Arabia at inilatag ang 30-day na ceasefire deal.
Nagpahayag naman ng pagkuwestiyon si Putin ukol sa isinusulong na peace deal kung saan sinasabing hindi ito pumapabor lahat sa Russia.