Napatunayang nagkasala ng korte sa New York si dating US President Donald Trump sa lahat ng 34 counts ng pamemeke ng kaniyang business records.
Binasa ng 12 jurado ang nasabing findings nila sa harap ni Justice Juan Merchan.
Ang 34 counts ay mula sa 11 invoices, 12 vouchers at 11 tseke na galing a buwanang reimbursement ni Trumpsmula sa pagbabayad niya kay MIchael Cohen.
Si Cohen ang siyang nagrepresenta kay Trump para bayaran ng $130,000 si adult star Stormy Daniels.
Kapalit ng bayad ay para manahimik na si Daniels at huwag ibunyag na nagkarelasyon sila ni Trump upang hindi makasira sa halalan noong 2016.
Pinasalamatan ni Judge Merchan ang mga hurado kung saan itinakda sa Hulyo 11 ang pagbabasa na ng hatol kay Trump.
Tinanggihan din ng judge ang hiling ng abogado ni Trump na si Todd Blanche na kung maari ay ibasura na ang mga kaso.
Depensa nito na inilabas ang hatol ng wala man lamang ang testimonya ni Cohen.
Naniniwala sila na nagsinungaling si Cohen sa nasabing kaso.
Ang nasabing petsa ay ilang araw bago ganapin ang Republican National Convention na magsisimula sa Hulyo 15.
Ito ang unang pagkakataon na ang dati o kasalukuyang pangulo ay nahatulan ng isang kaso.