Pirmado na ni US President Donald Trump ang executive order (EO) na nagbibigay prayoridad sa mga mamamayan ng US na mabigyan ng COVID-19 vaccine.
Ayon sa US President, ang hakbang ay para matiyak na ang mga pharmaceutical company sa US na gumagawa ng bakuna laban sa COVID-19 ay unahin ang mga mamamayan nila kaysa sa mga nasa ibang bansa.
Itinturing din nito na isang malaking panalo sa kaniyang adaministrasyon ang naging pahayag ng Pfizer at BioNTech na mayroong 95% effectivity ang nasabing bakuna.
Ipapaubaya na rin nito sa mga gobernador kung sino ang kanilang uunahin na mababakunahan.
“If authorized, tens of millions of vaccine doses will be available this month… and hundreds of millions more will quickly follow. Every American who wants the vaccine will be able to get the vaccine,” ani Trump. “The plan we put forward prioritizes the elderly and patients with underlying conditions, as well as healthcare workers and first responders.”