Pag-iisipan pa umano ni US President Donald Trump kung itutuloy pa nito ang mas mataas na taripa na ipapataw laban sa China.
Ito ay matapos ang kanyang muling pagbabanta na tataas ng hanggang $300 bilyon ang taripa para sa mga produkto ng China.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng taripa, ay tila nagkaroon na ng lamat sa samahan ng dalawang bansa. Dumagdag pa rito ang pag-akusa ni Trump sa Beijing na sinusubukan umano ng bansa na baguhin ang kalakalan ng negosyo sa buong mundo.
Simula noon ay tila hindi na natapos ang palitan ng US at China ng masasakit na salita laban sa isa’t isa.
Gaganapin ang G20 summit sa Japan sa darating na June 28-29. Ito ang kauna-unahang oportunidad para kina Trump at Chinese President Xi Jin Ping na magkita muli matapos ang huli nilang pagkikita noong G20 taong 2018 sa Buenos Aires.
“I will make that decision in the next two weeks after the G20. I will be meeting with President Xi and we’ll see what happens, we’re probably planning it sometime after G20,†ani Trump.