-- Advertisements --
Nakatutok ngayon si US President Donald Trump sa paparating na hurricane Dorian.
Sinabi ng US President na dadalo ito sa gagawing hurricane briefing sa Federal Emergency Management Agency (FEMA) heaquarters sa Washington sa araw ng Linggo.
Dito ay pagdedesiyunan ni Trump kung kailangan na bang mag-force evacuation ang mga residente ng Florida.
Sa ngayon ay nasa hurricane category 3 ito ay inaasahan na maging category 4 kapag naglandfall sa araw ng Lunes.
Inanunsiyo na rin ng Greater Orlando Aviation Authority na kanilang sususpendihin ang airport operation sa Lunes ilang oras bago ang pag-landfall ni Dorian.