Naglabas ng kautusan si US President Donald Trump na pansamantalang pagtigil ng lahat ng mga federal grants at loans.
Ayon kay White House Office of Management and Budget acting director Matthew Vaeth, na lahat ang mga federal agencies ay dapat temporaryo nilang itigil ang aktibidad na may kinalaman sa obligasyon o ang disbursement ng lahat ng mga federal financial assistacne.
Ang nasabing memorandum na inilabas ni Trump ay makakaapekto sa ilang trilyon sa government spending at pagtigil sa mga pampublikong programa na nakikinabang ang ilang milyong mamamayan ng US.
Hindi naman apektado dito ang Social Security o Medicare benefits o hindi kasama ang tulong na ibinibigay na direkta sa mga indibidwal.
Ang nasabing hakbang ay siyang pinakabagong direktiba ni Trump para makontrol ang federal funding khhit na ito ay naibahagi na ng kongreso.