-- Advertisements --
Patuloy na bumubuti ang kalusugan ni US President Donald Trump matapos na dapuan ito ng coronavirus.
Ayon kay Doctor Sean Dooley, ang pangunahing sumusuri sa US President sa Walter Reed National Military Medical Center na wala na itong lagnat at anumang sintomas ng COVID-19.
Posibleng makabalik na rin ang pangulo sa White House sa Martes.
Uminom na rin si Trump ng Remdesivir na siyang nagpapa-ikli ng pamamalagi ng pasyente sa pagamutan, ganun din ang experimental drugs na REGN-COV2, zinc, Vitamin D, Famotidine, melatonin at aspirin.
Magugunitang nitong Biyernes ng itakbo sa pagamutan si Trump at asawa nitong si Melania matapos magpositibo sa COVID-19.