Tumindi pa ang pagkaasar ni US President Donald Trump kay LaVar Ball, ang ama ng Lakers star na si Lonzo Ball.
Hanggang ngayon kasi ay tumatanggi pa ring magpasalamat ni LaVar kay Trump at hindi kinikilala ang nagawang tulong kaya napalaya ang kanyang anak na si LiAngelo at dalawa pang U.C.L.A. players sa shoplifting case sa China.
Sa official Twitter post ni Trump, napansin na ginawang capital letters ng presidente ng Amerika ang mga salitang “IT WAS ME” na siyang naging daan daw upang makaiwas sa mahabang panahon na pagkakakulong sa China si LiAngelo.
Gumamit pa si Trump ng mga salitang “Ungrateful fool!” sa labis na pagkapikon.
Nandoon din na tawagin ni Trump si LaVar bilang “a poor man’s version of Don King.â€
Si King ay kilalang promoter ng boxing at mahilig din sa mga gimik.
Narito ang magkasunod na tweets ni Trump:
“It wasn’t the White House, it wasn’t the State Department, it wasn’t father LaVar’s so-called people on the ground in China that got his son out of a long term prison sentence – IT WAS ME. Too bad! LaVar is just a poor man’s version of Don King, but without the hair. Just think..”
“…LaVar, you could have spent the next 5 to 10 years during Thanksgiving with your son in China, but no NBA contract to support you. But remember LaVar, shoplifting is NOT a little thing. It’s a really big deal, especially in China. Ungrateful fool!”
Si LaVar ay hindi na bago sa mga kontrobersiya lalo na at sinasabayan pa niya ito sa promosyon ng negosyo niyang sapatos na Big Baller.
Ang 50-anyos na dating basketball at football player ay founder at CEO ng sports apparel company na Big Baller Brand.
Meron din itong isa pang anak na si LaMelo na naglalaro rin ng basketball.