Pinag-uusapan na ng mga White House officials ang pagtangal kay Health and Human Services Secretary Alex Azar.
Lumakas pa lalo ang nasabing usapin matapos na italaga ni US President Donald Trump si Vice President Mike Pence imbes na si Azar na maging point man para sa coronavirus response.
Lumabas din ang usapin na tila dismayado ang US President dahil sa hindi nito kabisado ang usapin tungkol sa coronavirus pandemic.
Pinabulaanan naman ni US President Donald Trump ang nasabing usapin at sinabing kagagawan lamang ito ng mga kalaban niya sa pulitika.
Mananatili aniya ang Health Secretary sa kaniyang puwesto hanggang hindi pa natatapos ang coronavirus pandemic.
Pinuri pa ni Trump ang naging pagiging tapat at magandang record sa trabaho ng health secretary.