-- Advertisements --

Pinahinto ni US President Donald Trump ang military aid sa Ukraine, base sa kumpirmasyon ng White House official.

Aniya, tinigil at pag-aaralan muna ang kanilang ibibigay na aid para matiyak na ito ay nag-aambag sa isang solusyon.

Ayon naman sa isa pang opisyal, sakop ng paghinto ng aid ang lahat ng military equipment na wala pa sa loob ng Ukraine.

Saad ng opisyal na ang paghinto ng military aid sa Ukraine ay direktang tugon sa kung ano ang naging pananaw ni Trump sa inasal ni Zelensky sa kanilang naging pagpupulong noong nakaraang linggo sa Oval Office, na nauwi sa mainit na sagutan.

Posible aniyang ipagpatuloy ang pagbibigay ng US ng military aid sa Ukraine kung magpapakita si Zelensky ng bagong commitment sa mga negosasyon para waksan ang giyera sa Ukraine.

Ayon kasi sa ilang opisyal, nais ni Trump at kaniyang senior aides ng acknowledgement mula kay Zelensky, na maaaring sa pamamagitan ng public apology, bago magkasundo sa minerals deal o bago magkaroon ng discussion sa pagpapatuloy ng military aid.

Nakikita naman ito bilang parte ng pressure strategy ng Trump administration sa Ukraine.